Naiwan kami ni Ram na magkasama pa rin sa SM Tarlac. Hindi ko alam kung umuwi na ang mga kaibigan ko o sadyang binigyan lamang kami ni Ram ng privacy. "Natutuwa ako sa mga kaibigan mo, Rayi. Totoo silang mga tao at suwerte mo dahil may mga kaibigan kang katulad nila. Now..." Hinawakan ni Ram ang kamay ko. "Tayo na lang dalawa rito..." "Our first date..." ngumiti ako kay Ram. Nanunod kami ng sine at pagkatapos niyon ay namasyal kami sa park ng Tarlac. Sa public park na katabi lamang ng capitol. Eksaktong may show ang bandang Rivermaya, sa taunang music fest na ipinagdiriwang dito. Nakipagsiksikan kami ni Ram sa kumpol ng mga tao. Hawak-hawak nito ang kamay ko. "Ngayon ko lang naranasan ang nakakatuwang experience na ito," ani Ram sa akin habang nakikinig kami sa awiting 214. "Masaya m