Sa katotohanan na nalaman ko ay nagkaroon ako ng interest na buksan ang envelope na itinago ko tungkol kay Daniel. At sa pagbukas ko ng envelope ay nakasulat doon ang mga katotohanan na nalaman ko na. Maliban doon ay wala ng ibang nakasulat doon na tungkol kay Daniel. Tumitig ako sa civil status niya at paulit-ulit na binasa ang single na nakasulat doon. Binata si Daniel... walang anumang relasyon sa kahit na sinong babae. Dapat ay pinagkatiwalaan ko siya at hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko. Muli kong ibinalik sa envelopes ang mga papel na kinasusulatan ng mga information. Bumuga ako nang malalim at inihiga ang aking sarili sa kama ko. Tumingin ako sa kisame habang hawak ko ang cellphone ko. Gusto kong tawagan si Daniel at mag-sorry dito pero kapag ginawa ko iyon para ko na r