Bago ang araw ng paglilitis ay nagkita kami ni Dante sa mausoleum ng Salazar. Nakasuot ng itim na polo si Dante at may dalang mga bulaklak. Itinabi ni Dante ang bulaklak na hawak nito sa inilagay kong bulaklak sa puntod ni Jana. "Bukas na ang retrial para sa kaso ni Jana. Pare-pareho tayong suspek sa pagkamatay niya, hindi ko alam kung bakit pati ako ay idinamay ni Daniel dito. Masiyadong tahimik ang buhay ko para idamay pa sa gulo ng buhay nilang magakkapatid." Ngumisi ako kay Dante at matabang itong nginitian. "Natatakot ka ba na humarap sa korte, Dante? Natatakot ka na malaman ng lahat kung ano ang ginawa mo sa akin?" Tumawa ito at saka tumingin sa akin. "Walang evidence na magpapatunay sa ginawa ko sa iyo, Openg. Paano kung sabihin ko na nilandi mo lang kaming magkapatid at kayaman