Gabi na ay narito pa rin kami sa hospital ni Salve. Dinalhan na rin ako ng pamalit na damit ni Manong Duarding, at nagdala naman si Manang Miding ng mga pagkain para sa amin ni Salve at mga prutas naman para kay Ram. Hinintay ko ang utos ng doctor bago kami pumasok sa kuwarto ni Ram. Nakasuot ako ng PPE para sa protection ni Ram. Tinitigan ko ang mukha nito at kitang-kita ko ang paghihirap na dinanas nito. "Kailangan mong magising kaagad, Ram," umiiyak na sabi ko rito. "Kailangan mong sabihin sa akin ang totoo, na buhay pa si Daniel, at hindi totoo na patay na siya. Please, Ram, gumising ka na," humihikbing sabi ko na halos mapaluhod ako sa sahig sa pagmamakaawa. Nilapitan ako ng nurse na pumasok din sa loob. Malungkot ang mukha ng nurse na nakatingin sa akin. Inaalalayan niya akong tuma