Kabanata 66:1 Pagdududa

1118 Words

Bumaba ako sa sasakyan at naluluhang tumingin sa paligid. Dumaan ako sa gitna ng flower farm, hinawakan ko ang nakasabit na signage ng farm. Napangiti ako sa gitna ng kalungkutan na nararamdaman ko. Ang unang beses na sinabi sa akin ni Daniel na mahal niya ako... sa lugar na ito. Pumikit ako at dinama ang hangin. Pakiramdam ko nasa tabi ko lang si Daniel, palagi siyang laman ng puso ko... ng isip ko at kahit kailan hindi na mabubura ang lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa. "Miss na miss mo na rin si Kuya Boss, no, ate? Sana... sana kung nandito siya... siguro binatukan na niya ako. Hindi niya gusto na nakikita kang umiiyak o pinapaiyak ng kahit na sino. Iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin." Idinilat ko ang aking mga mata at tumingin kay Joshua na nasa aking likuran. Sinunda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD