Vincent's PoV Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago kay Penelope ang totoo. Kinailangan ko pang paniwalain ito na patay na si Daniel dahil iyon ang naisip kong tamang gawin para lamang sa kaligtasan nito. Tumingin ako kay Daniel na nakahiga sa kama at wala pa ring malay. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya mananatiling ganito. Halos isang buwan na rin ang nakakalipas noong malaman kong buhay pa si Daniel at nagawa kong pekehin ang resulta ng autopsy report kahit na alam kong p'wede akong makasuhan sa ginawa kong iyon. Nagawang iligtas ni Daniel si Ram nang sumabog ang building. Nailabas niya si Ram kahit na duguan na noon si Daniel at may mga tama ng baril dahil sa pagkataranta ni Jewel sa pagtakas sana nito. Maliban sa mga pasa sa katawan at sunog sa kaliwang kamay ay