Penelope's PoV Ipinagdiriwang namin ngayon ang eleventh birthday ni Rux. Nandito kami ngayon sa Pangasinan, buo ang aming pamilya na nandito ngayon. Ang mga kasama namin sa bahay, sina Salve, anak nitong si Christine, Aling Miding, Manong Duarding, Amanda, Nathan, ang kapatid kong si Joshua at ang aking mag-ama. Kahit na bagong panganak ay nandito din ngayon sina Rayi at Ram. Nandito kami sa private resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Daniel. Binigyan niya kami ng dalawang araw para mag-stay dito ng libre. Ipinagdiriwang din namin ngayon ang baby shower ko. Isinabay ko na sa birthday ng aking anak dahil may surprised ako sa kaniya. Hawak ni Rux ang itim na lobo. "Is it a boy or a girl?" tanong ni Amanda na siyang emcee namin ngayong gabi. "I think... girl again," ani Rux. "Okay...