Rayi's PoV Mahimbing na natutulog si Ram sa may sofa. Pinaalis ko siya kanina dahil naiinis ako kapag nakikita ko siya. Hindi ko na rin naiintindihan ang sarili ko dahil madalas na lang akong magtampo at magalit sa kaniya. Nakausap ko si Nanay at normal lang daw iyon sa buntis na kagaya ko. Tuwang-tuwang pa si Nanay nang ibalita kong hindi pa ako dinadatnan. Excited na talaga iyong magkaroon ng apo. Naisip ko na magtungo sa garden kaysa istorbohin ko si Ram na mahimbing na natutulog. Habang nasa may graden ako at nakaupo naisip kong kunin ang gitara ko na inilagay ko sa likod ng pinto kanina. Isinara ko ang main door para makabawas sa ingay na hatid ng paggigitara ko. Kinanta ko ang original song composition ko para mabawasan ang stress na nararamdaman ko. Patapos na ako sa aking pagk