Penelope's PoV Magkasama kaming nanunuod ni Daniel ng mga bituwin sa langit. Nasa labas kami ng aming bahay at sa inilatag nitong carpet kami nakahigang dalawa habang magkahawak ang aming mga kamay. "Mi amor... kung babalik tayo sa nakaraan, pipiliin mo pa rin ba ako?" "Hindi..." sagot ko rito na naging dahilan para bumangon ito sa pagkagulat dahil sa sagot ko. "Ano!" "Hindi mo na dapat tinatanong iyan dahil alam mong ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kung babalik man ako sa nakaraan... hahanapin kita. At kung magkataon man na hindi tayo magkita, maghihintay ako." Muling humiga si Daniel sa tabi ko. "Kinabahan ako doon a." "Ikaw... kung babalik ka sa nakaraan... ako pa rin ba ang pipiliin mo?" "Syempre naman... ikaw pa rin ang babalikan ko." Hinagkan ni Daniel ang kamay ko. "Ikaw lang,