Hindi ko maalis ang aking tingin kay Ram. Bago sa akin ang feelings na ito, mahal na mahal ko siya. Tipong kung p'wede ko lang siyang titigan buong araw ay gagawin ko. Naglalakad kaming dalawa sa daan. Dapit hapon na at napakagandang pagmasdan ang paglubog ng araw. Nakasunod sa amin ang kotse ni Ram na mabagal na pinapatakbo ni Manong Luis. Hinawakan ni Ram ang aking kamay. Napahinto ako sa paglalakad at nagulat ako nang yakapin niya ako at hagkan sa aking mga labi. Tumingin siya sa akin matapos niya akong halikan. "Excited na akong umuwi sa mansion na kasama kita bilang asawa ko." Oo nga pala. Noong una kong tuntong sa mansion ni Ram ay assistant secretary pa lamang ako noon ni Jewel. Isang beses pa lamang akong nakapunta sa malaking bahay na iyon. "Do-Doon tayo titira?" nag-aalinlan