Gusto kong matuwa sa ikinikilos ni Ram. Alam kong ngayon lamang nito ginagawa ang mga bagay na hindi nito nagawa noon. Ngunit sapat na ba ang ginagawa nitong effort sa akin para pumayag ako at mabilis nitong mapasagot nang oo? Nagkunwari akong masungit. Kunwari hindi ako kinikilig, kunwari wala akong pakialam sa ginagawa niya. Tsk. Paano ko naman iyon maiiwasan? Kung sa ngiti pa lang nito nataranta na naman ang puso ko. "At saan mo naman ako dadalhin, sir?" tanong ko rito na kunwari ay hindi interesado. "Kailangan nating mag-usap tungkol sa sinabi ko kanina. Ayokong lumayo ka ulit kaya gusto kitang makausap na tayo lang dalawa," ani Ram sa akin habang nagdra-drive ng kotse nito. Nakita ko kanina ang tinginan ng mga kapit-bahay namin sa magarang kotse ni Ram. Sino ba naman kasi ang maka