Book 2: XVI Love and Hate/2

1223 Words

Kinagabihan naisip ko na makitulog sa bahay nina Rayi. Nasa labas kami ng bahay nina Rayi at hinatiran kami ng kape ni Aling Celia. Ang aking mabait na biyenan na natawag kong Nanay. Natutuwa ako kapag nasasabi ko ang katangang iyon. Maraming mga bumabalik na pangyayari sa buhay ko, at katulad ngayon pakiramdam ko nagsisimula ulit ako. Susuyo sa isang dalaga na gusto ko, hihintayin na sagutin niya ako ng matamis na oo. "Hindi mo dapat tinawag na Nanay ang Nanay ko Ram. Ano na lang ang iisipin niya? Na mabilis akong---" Inilagay ko ang daliri ko sa tapat ng labi ni Rayi. "Doon din tayo pupunta kaya 'wag ka nang magreklamo." Kanina nang makaalis kami sa may ilog hindi napawi ang aking ngiti sa mga labi. Masaya lang akong kasama ko si Rayi. "Talagang umaasa ka na magiging tayong dalawa?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD