Ram Pinapaikot ko ang ballpen na hawak ko habang nakatingin sa mga nakatambak na paperworks sa aking lamesa. Isang buwan na rin ang nakakaraan noong huli kong makita si Rayi. Tama lamang na hinayaan ko siyang maging masaya at tahakin ang landas na gusto niya. Kung hahayaan ko siyang manatili sa tabi ko ay masasaktan ko lamang siya. Hindi ko makalimutan ang araw na sinabi niya sa akin na nahulog ang loob niya sa akin. Gusto kong gamitin noon si Rayi para makalimutan si Penelope pero hindi ko kayang gawin. Kung gagawin ko ulit iyon parang binuhay ko lang si Jewel sa katauhan ni Rayi. Ayokong gumamit ng ibang tao para maging masaya lang ako. Gusto kong palayain ang sarili ko, at tuluyang magbago para sa anak ko. Si Rux ang tanging kaligayahan ko ngayon. Lumalaki ang anak ko na kailangan ng