RAYI Bumalik ako sa Roof and Room Real Estate Company ni Ram o mas kilala sa pangalan na R and R dahil sa pakiusap ni Penelope sa akin. At sa hiling na rin ni Daniel na bumalik ako sa kompanya nito. Ang totoo ay pinipilit ko lang na maging masaya at ipakita kay Ram na okay lang ako pero ang totoo ay hindi naman talaga. Gusto ko lang naman siyang pasayahin ulit, kapalit ng malaking pera na p'wede kong kitain. Mababa ang sinasahod ko sa private school na pinasukan ko. Hindi iyon kasya sa mga gastusin namin sa bahay at lalo na sa mga kapatid ko. Buko sa pagiging sales representative ko ngayon ay part-time worker din ako sa Heart Café. Kaibigan ko ang anak ng may-ari niyon kaya naman doon ako pumapasok tuwing day off ko noon sa R and R at kapag maaga akong umuuwi. Simple lang ang gusto ko,