Inihatid namin si Amanda sa bahay nito sa Mines Subdivision sa Tarlac. Habang nagmamaneho si Daniel ng kotse ay tumunog ang cellphone nito na kaagad naman nitong sinagot. Nakita ko na sinapo ni Daniel ang noo nito at saka malapad na ngumiti. "Sorry, Misis Alvarez. Papunta na kami ni... ni Penelope." Tumingin sa akin si Daniel na tila may malaking problema. Ibinaba nito ang cellphone at saka ngumiti sa akin. "I-Ihahatid na kita." "Sinabi mo na kasama mo ako sa pupuntahan mo, Daniel. Saan ka ba pupunta at sino si Misis Alvarez?" Nagkamot ng ulo si Daniel. "Kliyente ko siya, siya iyong matanda na humingi sa akin ng tulong dahil nga pinabintangan na nagnakaw iyong anak niya. Birthday niya ngayon at bukas naman ang hearing para sa kaso. Inimbita ako na pumunta kaso nakalimutan ko. Ihahatid