Nagtungo kami ni Salve sa isang sikat na restaurant sa Tarlac. Ang Fiera's Cuisine, madalas na nagtutungo roon si Donya Margaret dahil kasosyo ng matanda ang may-ari ng restaurant na siyang investor sa kumpanya ni Daniel. Wala na ngayong maraming pera si Donya Margaret kaya hindi na ito palaging nasa casino kung saan madalas ito magtungo. "Ang ganda... parang korean ang ambiance," bulalas ni Salve habang nakatingin sa paligid. Cherry blossoms kasi ang design sa labas ng restaurant at may nakasulat doon na "kamsahamnida", welcome sa entrance. Binati rin kami ng mga waitress at waiter na nakaabang sa nakabukas na pintuan. Kilala nila ako dahil isinama ako minsan rito noon ni Daniel. "Sikat ka talaga, Openg," bulong sa akin ni Salve na hindi binibitawan ang braso ko. Nakakapit pa rin ito