NANG makalabas kami ni Salve mula sa restaurant ay nagtungo na kami sa kinaroroonan ng naka-park na kotse ko. Iniabot sa akin ng security guard ang susi, binigyan ko naman siya ng tip dahil sa pag-aasikaso sa sasakyan ko. "Ang bait mo talaga, Openg. Pasensiya ka na sa inasal ko kanina. Hindi na iyon mauulit, kapag galit kasi ako mabilis akong maasar at kung ano-ano na lang ang nasasabi ko sa isang tao." "Okay lang iyon, Salve. Sanay naman na ako sa ugali mo pero dapat kontrolin mo lang kasi baka mamaya maidemanda tayong dalawa. Ayoko pa namang makita ulit si Lumeng," pagbibiro ko kay Salve. "Minsan dalawin natin si Lumeng. Nasabi ko kasi na kapag nakalaya ako, pupuntahan ko siya at bibilhan ng burger. Ganoon lang talaga siguro si Lumeng lalo na't matandang dalaga at walang pamilya. Ting