Wala na akong nagawa nang tuluyang umalis sina Ram, kasama nito si Rux, Celso, Nathan at Joshua. Naiwan ako kasama ni Daniel at inalok niya ako na maglakad-lakad sa labas. "Ma-May balita na ba kay Jewel?" seryoso kong tanong dito na nakatingin sa aking dinaraanan. "Hanggang ngayon bigo pa rin ang mga kapulisan para tukuyin kung nasaan si Jewel. Sa tingin ko nagtatago na ang babaeng iyon. Sa ngayon naka-hospital arrest si Margaret dahil malalala pa rin ang kaniyang kundisyon." Tumango-tango ako, dapat lamang na pagbayaran ng mga ito ang mga kasalan nila. Kulang pa ang paghihirap na dinaranas nila ngayon kaysa sa hirap na tiniis ko ng limang taon. Hinawakan ni Daniel ang kamay ko ngunit mabilis ko iyong hinila. "Bakit ka nga pala nandito?" pormal kong tanong sa kaniya. Sandali akong hum