Lumipas ang mga araw at dumating ang resulta na pinakahihintay ko. Ang makulong at pagbayaran ni Jewel ang pakikipagsabwatan nito sa sariling pamilya. Nagbaba ng warrant of arrest ang mga pulis dahil sa utos ng korte. Ngunit mailap ang hustisya dahil natapos naming magkita ni Jewel sa hospital ay hindi pa rin ito nagpapakita sa amin. Tinutugis na ito ng mga pulis ngayon at sigurado ako na wala na ngayong takas SI Jewel. Samantala si Donya Margaret naman ay gising na. Ngunit hindi na ito maliksi kung kumilos. Haharapin naman ni Donya Margaret ang patong-patong na reklamo at kaso sa pagkamkam nito sa mga kayamanan ng mga Salazar at pagtatago nito ng mga ebidensiya para makulong ako, at ako ang pagdusahin sa kasalan ni Dante. Pinapahid ko ang aking luha sa mga mata habang nakikinig sa bal