Kabanata 60:2 Pakiusap

2003 Words

Nakatayo ako sa harapan ng hospital room ni Ram. Dalawang araw ang pinalipas ko bago puntahan si Ram. Siniguro ko na wala si Jewel dahil iniiwasan ko na magkaroon kami ng sagutan at hindi ako makapagtimpi at baka mapatulan ko siya. Wala ngayon si Daniel, nalaman ko kay Amanda na inaasikaso pa rin nito ang kaso ni Jewel. Talagang gusto itong ipakulong ni Daniel. Kahit na wala pang malay si Donya Margaret ay patong-patong na ang kaso nito mula sa pamemeke ng mga mga titulo ng mga ari-arian nina Ram at pagtulong nito sa sariling anak. Muli akong tumingin kay Ram na nakatingin na sa pinto at nakikita ako. Umupo ito sa kama nang tuluyan akong makapasok. Hawak nito ang tagiliran at alalay lamang ang galaw nito. Mabilis ko siyang nilapitan at inalalayan. "Kumusta ka na? Okay ka na ba?" Tumang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD