Book 2: XV Aamin?/1

1127 Words

Nagising akong masakit ang ulo ko. Sapo ko iyon nang bumangon ako sa kama. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, ang natatandaan ko lang nagpunta ako sa subdivision kung saan nakatira si Rayi. Ang babaeng iyon... pinapainit talaga niya ang ulo ko. Sinundan ko sila ni Leo at talagang pinapasok pa niya sa bahay niya ang lalaking iyon. Nakakainis lang dahil ang babaerong iyong ang naging boyfriend ni Rayi. Nagsalita ang hindi babaero? Kinuha ko ang hoodie jacket ko na nasa tabi ng kama at isinapay iyon sa aking balikat. Ibinulsa ko rin ang cellphone ko pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto. Laking gulat ko na lang nang makita ko si Rayi na nakahiga sa sofa. Nakapamaluktot ito roon at nakadamit pantulog. Nasapo ko ang aking noo, nandito pala ako sa bahay nito ngayon. Wala pang ibang nabago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD