Alas otso nang gabi nang mag-umpisa ang show namin sa Heart Club kahit na kulang ako sa maayos na tulog ay ginawa ko pa ring mag-perform para sa mga tao na unang sumuporta sa akin sa pagkanta ko. Sa nakalipas na isang taon ay maraming nabago sa buhay ko. Gumanda ang bahay namin, may maliit na negosyo ng damit si Nanay sa Nueva Ecija, nakapag-save ako ng pera sa bangko para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Kahit na wala akong materyal na nabili sa aking sarili ay sobrang saya ko. Hindi ako umasa sa tulong ng ibang tao sa amin para lamang magawa ko ang lahat ng ito. Nasa tabi ko si Leo na nagsabi kanina sa akin na sabihin ko na boyfriend ko siya. Ang totoo... hindi ko pa rin magawang buksan ang aking puso sa iba ngunit sinusubukan ko. Nililigawan ako ni Leo at sinabi kong hindi ko siya gusto