Hinintay kong makaalis si Rayi bago ko binatawan ang seksing babae. Gusto kong isipin niya na wala akong pakialam. Gusto kong makita siyang masaya na wala ako, maayos na ang buhay niya, ang career niya bilang isang singer. Kung pipilitin ko ang sarili ko na pumasok sa buhay ni Rayi magiging magulo lamang ang lahat. Kanina habang kumakanta siya alam kong sa akin niya ibinabato ang mga salitang iyon. Gusto kong sabihin sa kaniya na mahal ko na siya... at hindi ko alam kung sapat ba ang pagmamahal na iyon para umamin ako. Sa ngayon... hahayaan ko siyang maging masaya... maging maligaya kasama ng mga kaibigan niya at mga taong nagmamahal sa kaniya. Naniniwala akong darating ang panahon kapag naghilom na ang sugat... kapag naging okay na ang lahat... kapag may tiwala na ako at lakas ng loob pa