Matulin ang araw na lumilipas at sa bawat paglipas ng araw ay nagbabago ang buhay ko. Katulad ngayon na kahit na isang linggo pa lamang kaming handle ni Mister Toffee pero maraming opportunities ang dumarating. Nakikilala ako ng mga tao, at nakikilala ang husay ng aming banda. Ito ang pangarap ko... ang isa sa mga pangarap ko. Sa isang linggo na iyon kumikita na ako, ipinapadala ko ang lahat sa Nanay ko, at ginagamit naman iyon para sa renovation ng bahay namin. Masaya ako dahil sa paraan ng pagkanta ko ay nailalabas ko ang mga nararamdaman ko. Tinanggap ko na sa aking sarili na wala talagang pag-asa, na mahalin ako ni Ram. Tanggap kong hanggang doon na lang ang lahat at itutuloy ko ang takbo ng buhay ko. Nang matapos ang aming show dito sa Urdaneta ay nagpasya ang aming banda na manati