"Okay ka lang ba talaga, Rayi?" muling tanong sa akin ni Jing habang nasa bahay nila ako at pinagtitimpla niya ako ng kape. Marahan akong tumango dito. "Oo naman, Jing. Okay lang ako." "Para kasing hindi ka okay kanina. Hindi ko gustong makialam sa personal mong buhay pero kilala kita, Rayi. Alam ko kung may problema ka para na tayong magkakapatid kaya hindi ka na makakapaglihim pa sa akin. P'wede mong sabihin sa akin ang nangyari? Kaya mo ba tinanggap ang offer ni Mister Tofee dahil sa boss mo? O kaya mo tinanggap ang offer dahil gusto mong takasan ang lahat?" Inabot sa akin ni Jing ang isang tasa ng kape. Ipinatong ko iyon sa lamesa at umupo sa upuang kawayan tsaka bumuga nang malalim. "Pareho, Jing... noong una nangako ako na hindi ko siya iiwan... pero hindi ganoon kadali ang lahat,