Araw-araw kapag nakikita ko si Ram ay iniiwasan ko siya sa company. Inilalayo ko ang sarili ko sa kaniya para na rin hindi na ako masaktan. Pinili ko na magtrabaho sa labas ng company at pagbutihin ang pagiging sales agent. Nandito ako ngayon sa Pangasinan para isara ang deal namin ni Mister Yamamoto, isang Japanese Pinoy na gustong bumili ng house and lot. Ngunit kinailangan akong bumiyahe ng malayo dahil busy sa business si Mister Yamamoto. Ipinadala ko rito via e-mail ang mga video at mga picture ng loob at labas ng bahay kaya niya ako tinawagan para mag-set ng meeting. Kasama ko ngayon si Danica dahil ito ang pumalit sa puwesto ni Leo. "You are beautiful sales agent, Miss Rayicel," nakangiting anito sa akin. "Oh, thank you, sir," sagot ko naman dito na ngumiti ng pilit. "I have a s