Nagra-round ako sa company nang nakasalubong ko sina Rayi at Leo na magkasama. Magkaakbay ang dalawa at tila ginawang public place ang company ko. Kumunot ang noo ko at tumingin sa mga ito na mabilis na naglayo. "Hindi public display ang company ko, Leo. Hindi ba't may gagawin ka pa ngayon? At ikaw naman Rayi, tapos mo na ang pinapagawa ng marketing sa iyo? Hindi ako nagsasayang ng pera para pasahurin kayo kung ganitong wala kayong ginagawa!" sermon ko sa dalawa. Nagyuko ng ulo si Rayi, ngumisi naman si Leo at itinuro ang relo nito sa kamay. "Sir, lunch break na po." Nagkamot ng ulo si Leo pagkasabi niyon. Mabilis akong tumingin sa wall ng company dahil may nakadikit doon na digital clock. Tama si Leo past twelve na nga at nagsisilabasan na rin ang ibang staffs ko. "Nilampasan ko ang