Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba na nakita ko si Ram. Wala siya sa mga listahan ng mga guest na pupunta sa event na ito. Hindi mo nga rin sinabi sa kaniya ang tungkol sa gig ko. Maliban na lang kay Wenggay na malapad ang ngiti sa akin. Nilapitan niya ako at saka siniko. "Siya iyong lalaki na nakita ko kanina sa labas ng café. Alam ko kasi na mukha siyang mayaman kaya inaya ko siyang manuod ng benefit concert natin," ani Wenggay na inaayos ang hawak na base guitar. "Tsk. Bakit mo inaya?" nakangiwing bulong ko rito. "Hayaan mo na, sige na tuloy na natin ang pagtugtog nangangati na ang kamay ko kapag ganitong bago sa pandinig ko ang susunod ang kakanta." Kumindat sa akin si Wenggay. Hindi alam ng kaibigan ko na boss ko si Ram at hindi rin nito alam na hindi lang ito mayaman kun'di milyo