Kabanata 49: Tayo Muna

2503 Words

Nang makaalis si Ram ay nilapitan ako ni Daniel. Nakita nito na pinahid ko ang luha ko at pinilit na ngumiti rito. May hawak itong tasa ng kape at umuusok pa sa init. Sumandal ito sa tabi ko at iniabot sa akin ang tasa ng kape. "Okay ka lang?" malungkot na tanong sa akin ni Daniel. "Oo naman." Kinuha ko ang tasa ng kape at ipinatong ko iyon sa tabi ko. "Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon.. Pakiramdam ko... muli akong pinaglaruan at nagpaloko naman ako. Sorry, masiyado akong naging pabaya at naging mabilis magtiwala." "Sinubukan mo lang na magtiwala ulit, Napaansin ko na malungkot si Ram nang umalis, tingin ko masiyadong mabigat ang pinagdadaanan ng taong iyon. Kapatid ko siya pero hindi rin ako sang-ayon sa mga ginagawa niya sa buhay niya. Kung p'wede ko lang siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD