Natatangay na ako sa init ng halik ni Ram at sa haplos nito sa aking katawan. Ngunit natigil ang kahibangan ko nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. "Tumatawag ang Nanay mo sagutin mo." Iyon ang ringtone ng cellphone ko ngayon. Naitulak ko si Ram sa ibabaw ko. Nagkahiyaan kaming dalawa. Mabuti na lang naisalba ni Nanay ang binabagyong bataan ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking sling bag at sinagot ko iyon. Lumayo ako kay Ram at lumabas ako ng bahay. "Nanay," mahinang sabi ko rito na sapo ang aking noo. "O, okay ba ang ringtone na ginawa ko?" tanong nito na parang natutuwa. "Hindi po nakakatuwa. Hindi po ako uuwi dito ako ngayon sa private resort na pagmamay-ari ni Sir Daniel, kasama ko pa rin si Ram." "Basta ang binilin ko, huwag mong kalimutan. Importante ang bataan, mag-e