Kabanata 53: Bagong Simula

1115 Words

Matapos kong ipagkaloob ang sarili ko kay Daniel ay nasundan pa iyon ng maraming beses namin na pagtatalik. Mahal ko siya... mahal na mahal ko siya at nagtitiwala ako sa pagmamahal na iyon. Habang magkasintahan kami ni Daniel ay hindi ko napapabayaan ang anak ko. Madalas na isinasama ko siya sa bahay ni Daniel para mas lalong maging malapit sila sa isa't isa. Dalawang buwan na ang lumilipas mula nang makulong si Dante at naging normal ang takbo ng buhay ko. Pakiramdam ko napakatahimik na ng buhay namin dahil naparusahan si Dante. Wala na akong balita kay Ram, alam ko na katulad ko ay masaya na rin siya. Matutunan din niyang mahalin si Jewel. At magiging mabuting ama si Ram sa magiging anak nilang dalawa. Nandito kami ngayon ni Salve sa supermarket at kasama ko siyang nagtutulak ng trol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD