Sumapit ang araw ng birthday ni Rux, masaya ang lahat dahil pati matanda ay nag-e-enjoy sa cosplay na inihanda ni Joshua. Gumanap na Superman ang anak ko habang si Joshua naman ay si Captain America. Ganda-ganda naman si Salve sa ternong fairy custome nila ng anak nitong si Christine. Mala-fairy din si Manang Miding na pinagdiskitahan ni Salve na gawing mother fairy. Samantalang si Nathan naman ay si Flash. Hindi rin nagpatalo sina Manong Duarding at Celso na nag-ala-Batman. Tuwang-tuwang ang aking anak sa mga nangyayari sa paligid nito. Syempre dahil superman ang anak ko, superwoman din ako. Pinapanuod ko ang aking anak na paikot-ikot sa malawak na garden kung saan namin ginaganap ang ika-anim niyang kaarawan. Maraming mga bisita ang dumating mga dating kaibigan, at ang mga kaklase ni R