Nasa kuwarto ako at inaayos ang aking buhok nang biglang kumatok ng sunod-sunod ang aking kapatid na si Joshua. Hingal na hingal ito at hindi pa halos makapagsalita. Pumasok ito sa aking kuwarto at binuksan ang TV ko. Umupo ito sa may kama at itinuro ang TV. Hindi ko naiintindihan ang gustong sabihin sa akin nito. "Teka, ano ba ang nangyayari ha? Kumalma ka nga," kinakabahang sabi ko na rin dito. "A-Ate kasi..." "Sa kakapasok lamang na balita, kabilang sa mga nakatakas na preso si Dante Velasco ang murderer ni Jana Salazar, sa bilibid kung saan siya nakakulong. Matandaan na ipinakulong ni Ram Salazar ang kaniyang kapatid nang mahatulan ito ng korte. Nasa loob ng bilibid sa Manila si Karen Luis para sa kaugnay na balita." Dumako ang news sa babaeng nakatayo sa labas ng bilibid. "Hindi