Ilang araw na rin ang lumipas pero wala na namang paramdam si Daniel sa akin. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko pati na rin mga text messages ko. Naiinis na rin ako kay Amanda dahil hindi ko siya makontak. At wala rin si Vincent para mapagtanungan ko. Napansin ako ni Joshua na nakasimangot habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng lamesa. Gabi na at tulog na si Rux sa kuwarto nito. "Ate, hindi mo naman siguro gustong lumabas na may masamang loob ang anak ninyo ni Kuya Daniel. Aba, kung ipinaglihi mo iyan sa sama ng loob baka maging kamukha niya si Donya Margaret," pananakot nito sa akin. Napangiwi ako nang maalala si Donya Margaret. Palaging nakataas ang isang kilay at hindi ngumingiti. Mukhang witch na napabayaan sa fairytale land. Ibinato ko kay Joshua ang paper towels. "Alam mo i