Daniel Nagsalo kami ni Penelope sa isang masarap na hapunan na inihanda ko. Kalong-kalong ko si Dandan habang kumakain kami ni Penelope. Hindi ko namalayan na mahimbing na ang tulog nito sa aking mga bisig. Iniakyat ko siya sa sarili niyang kuwarto at inilagay ko siya sa may crib. Naka-monitor ang aming anak sa malaking screen na nasa aming kuwarto. Naka-alarm din ang oras ng pagpapadede dito pati na rin ang pagpapalit ng diaper. Ideya ni Penelope ang lahat ng ito dahil nasanay na ito noon kay Rux na ganoon ang set up. Pinagbigyan ko ang aking asawa na maging hands on ito sa pag-aalaga ng aming mga anak. Kahit na nakikita ko siyang nahihirapan ay tumatanggi pa rin itong kumuha ng katulong na makakasama namin. Pilyo akong napangiti nang maalala ko na nasa banyo si Penelope. Natalo ito sa