Nagpasya ako na ipasyal si Rux sa mall kasama ang aking kapatid na si Joshua. Hindi sumama sa amin si Nathan dahil may ginawa itong bilin ni Daniel. Pupunta rin ng mall si Amanda para maka-bonding ang anak ko. Nasa tapat kami ng national bookstore at hinihintay na namin doon si Amanda. Ngunit imbes na si Amanda ang nakita ko ay si Jewel ang lumapit sa amin ni Joshua. Ipinasya ni Joshua na ipasok sa bookstore ang anak ko para makaiwas kay Jewel dahil alam ko na gulo lamang ang gusto nito. "Tignan mo nga naman... kung saan naroon kami ni Ram ay bigla ka na lamang sumusulpot. Nanadya ka ba? Hindi ka ba kuntento na nasa iyo na ang anak ninyo? Ginugulo mo pa talaga si Ram," halata ang pagkainis sa mukha ni Jewel. Tumingin ako sa paligid namin. "P'wede ba na tumigil ka na, Jewel. Pumili ka na

