Sabado ng umaga ay masayang naglalaro si Rux sa garden ko. Kasama nito si Joshua na bumili ng water gun para sa pamangkin at para na rin dito. Parang bumalik sa pagkabata ang kapatid ko habang kalaro niya si Rux. Kahit na may meeting kami ni Amanda sa mga investors ay nagpasya akong hindi pumunta at hayaan na lamang si Amanda ang gumawa niyon. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko. Kung p'wede nga lang na hindi na ako matulog. Palagi ko siyang binabantayan kahit na ayaw niya sa akin. Palagi din itong nagpapabasa ng kuwento kay Joshua habang nasa pintuan ako at nakikinig. Madalas lamang akong kausapin ng anak ko kung may itatanong ito tungkol sa daddy nito. Tinawagan ko na si Ram kagabi pero hindi naman ito sumasagot kaya naisip ko na i-text na lamang siya. Marahil busy si Ram sa