Idineretso namin ni Vincent si Daniel sa pinakamalapit na hospital. Dumating si Amanda at ang kanang kamay ni Daniel na si Nestor. Inasikaso ni Nestor ang kalagayan ni Daniel at sinigurado na maayos itong naasikaso ng mga doctor sa private room na kinuha ng mga ito. Samantala ay nasa tabi ko si Amanda na emosyonal sa nangyayari. Mugto ang mga mata nito na hindi maitago ng inilagay nitong make-up. "Akala ko patay na siya nang mahanap nina Vincent. Mabuti na lang marami siyang mga tauhan, nasabi sa akin ni Vincent na nakausap niya si Salve bago mangyari ang pagkawala ni Daniel." Pinahid ko ang aking luha sa mga mata at tumingin dito. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Si Salve ang kasama ni Daniel bago siya mawala kagabi. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko, Penelope, hindi mapagkakatiwal