Umuwi muna ako sa bahay ko para tignan ang kalagayan ni Rux. Siniguro ko na maayos ang anak ko pati na rin ang mga kasama namin sa bahay. Mag-overnight ngayon sa aming bahay si Nathan. Habang maraming mga bantay ang labas ng bahay ko. May mga pulis din na naroon na inutusan ni Daniel. Hindi ko nakita si Salve at wala na rin ang mga gamit nito sa kuwarto. May sulat itong iniwan at pinapasalamatan ako sa lahat ng mga ginawa namin ni Daniel sa kaniya. Sinubukan kong kontakin si Salve pero naka-off ang cellphone nito. "Aling Miding, wala po bang sinabi si Salve bago siya umalis?" nag-aalalang tanong ko. "Hindi ko nga rin alam na umalis na siya. Sinabi na lang sa akin ni Celso na umalis si Salve at may dalang mga gamit. Ano ba ang nangyayari sa kaibigan mo, Openg? Napanuod ko nga pala sa bal