Bago ako ihatid ni Daniel sa bahay ko ay inaya niya akong kumain ng dinner sa may itaas ng ipinapagawa nitong bahay. Nagulat na lamang ako nang makasalubong namin ang dalawang matanda na malapad ang ngiti sa aming dalawa ni Daniel. "Tapos na ang ipinapagawa ninyo, sir," anang matanda na kinalabit ang katabing matanda. Napailing ako at nahihiyang tumingin sa mga ito. Sila marahil ang gumawa ng ingay kanina. Nahihiya tuloy ako dahil iniisip ko na baka nakita nila na muntik na akong halikan kanina ni Daniel. "Salamat, Manag Sol at Manang Beth," nakangiting sabi ni Daniel sa mga ito bago umalis. "Magandang gabi, ma'am," anang mga ito sa akin. "Magustuhan sana ninyo ang mga iniluto namin ni Sol, simpleng mga ulam lamang na paborito ni Sir Daniel." "Magandang gabi po, salamat," mahinang sab