Inaya ako ni Daniel sa bahay na nakatayo malapit sa farm. Under construction ang bahay at may mga parte pa na hindi natatapos. Wala akong nakitang mga trabahador ngunit naroon ang mga gamit ng mga ito sa paggawa. May baracks din ang mga ito kung saan natutulog at may mga nakita akong damit na nakasampay malapit doon. "Balak ko na dito tumira kasama ka," ani Daniel na nasa likuran ko. Nagulat ako sa sinabi nito dahil hindi pa ako maka-get over sa sinabi nitong mahal niya ako. Ang haba ng hair mo, Openg! "Ha? Pero---" "Ayokong sabihin mo na hindi dahil gusto kong sumagot ka sa akin ng oo." Ngumiti sa akin si Daniel at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ipinakita niya sa akin ang loob ng bahay nito. "Dalawang palapag? Da tingin ko malaki ang bahay na ipinapagawa mo, Daniel." "Marami kasi tay