Nagmadali akong tumayo para puntahan si Ram at kung paano ko siya lalapitan nang hindi ako nakikita ni Jewel ay hindi ko pa alam. Gusto kong makausap si Ram tungkol sa bagay na gumugulo sa isip ko dahil alam ko na ang bagay na iyon ang p'wedeng maging dahilan para mahuli ang tunay na pumatay kay Jana. Hawak ko na ang seradura ng pinto nang bumungad sa akin si Daniel na malapad ang ngiti. Doon sumagi sa isip ko na darating nga pala ito ngayong araw gaya nang nasabi ni Faye at ni Manang Miding. Nasapo ko ang aking noo dahil nakalimutan ko ang pininyahang manok na lulutuin ko. "Nagmamadali ka yata may meeting ka pa?" tanong sa akin ni Daniel dahil sa ikinilos ko. Mabuting tao si Daniel at malaki na ang naitulong niya sa akin. Panahon na para gawin ko ang plano ko na hindi ipinapaalam dito