Kabanata 69:1

1424 Words

Nang makauwi ako ng bahay ko ay hindi pa rin ako mapakali. Nagtataka naman si Salve habang nakatingin sa akin at palapit sa aking kinaroroonan. "Saan ka naman galing buntis? Hinahanap kita kanina pa, a." "Ah..." Tumalikod ako at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga regalo na nasa ibabaw ng lamesa. "Kasama ko si Vincent, may ipinakita lang siya sa akin kanina. Hinahanap mo pala ako, hindi na ako nakapagpaalam." Umalis na ang ibang mga bisita dahil ala una na rin ng madaling araw. Inaayos naman ng catering ang mga naiwang pagkain. Si Manang Miding ang umasikaso niyon kasama si Celso. "Ganoon ba. Nga pala, si Amanda nasa kuwarto mo kasama ni Rux. Inaantok na kasi iyong bata kanina kaya doon na pinatulog ni Amanda," pagbibigay alam nito sa akin. Si Amanda, marami itong dapat na ipaliwan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD