Chapter 46 RHEA'S POV Nagising ako sa malakas na kalabog; na mag pakaba sa akin nang husto. Umupo ako sa malambot na kama at sumalubong kaagad sa akin ang madilim na kwarto. Wala akong liwanag na nakita, at nilamon ng kadiliman ang silid. Binuksan ko ang ilaw pero hindi iyon bumubukas. Walang kuryente? Kagat-labi akong bumaba sa kama at hinalughog ko ang laman ng drawer para maka-hanap na pwedeng gamitin na ilaw; hindi naman ako nabigo sa pag hahanap dahil nakita ko ang cellphone ko. Iniwan pala iyon ni Chase, doon sa silid. Binuksan ko ang cellphone at tumambad sa akin na pasado alas dos na nga ng madaling araw. Nadismaya pa ako, na makitang walang signal man lang para huminggi ng tulong. Bakit ko ba pino-problema iyon? Dapat na pag tuonan ko ngayon ng pansin ang malakas na kalab