Luis looked at his cell phone once again. Kanina niya pa sinusubukan na tawagan si Bettina ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Tatlong araw na nga mula nang mamagitan ang pag-uusap nilang dalawa kung saan napagkasunduan nilang mag-asawa na susunod sa kanya si Bettina sa bayan ng Calapan. Talagang nagustuhan niya ang lugar na pagtatayuan ng kanyang tiyuhin ng isang gusali. It was great for any business. At dahil sa nabanggit nito sa kanya na balak nitong gawing pang-komersyal iyon ay agad na pumasok sa kanyang isipan na magbukas doon ng branch ng Café Mariano. Kahit nga ang restaurant nina Bettina na Villamor Italian Cuisine ay maaaring magbukas roon ng maliit na sangay. At hindi siya nakapaghintay na masabi agad kay Bettina ang kanyang mga naisip. It was obvious that Bettina