Papalubog na ang haring araw at malapit nang mag-agaw ang dilim at liwanag. Kanina ay marami pang kabataan ang naroon sa tabing-dagat at naglalaro. Isa-isa ay nagsiuwian na ang mga ito dahil sa malapit na ang paglubog ng araw. But she stayed there and did nothing but to stare at the water in front of her. Halos magkulay kahel na ang tubig sa dagat dahil sa halos paghalik na ng liwanag ng araw roon. She was staring at the water blankly. Walang partikular na tumatakbo sa kanyang isipan. Basta gusto niya lang na manatili roon at pagmasdan ang tubig sa dagat. Somehow, that gave her peace that she wanted to feel for the past months of her life. Para siyang blankong papel nitong mga nakalipas na buwan--- Walang alam sa lahat. Walang maintindihan sa mga nagaganap. Lumanghap siya ng sariwang h