"Ano?! Totoo ba iyang mga sinasabi mo?" gulantang na saad ni Sara kay Alexa matapos niyang isalaysay dito ang tungkol sa pakikipagkita niya sa kaibigan ni Roger, na siyang magiging amo niya rin. Kasalukuyan pa rin silang nasa bahay ng kamag-anak ng kanyang kaibigan. Mula sa pinuntahan nila ni Luis ay kinailangan niya pa rin na umuwi sa pansamantala nilang tinutuluyan upang kunin ang kakarampot niyang mga gamit. Isang maliit na bag lamang iyon na naglalaman ng ilang piraso niyang damit at iba pang personal na gamit. Nang umalis sila ni Sara ng Buenavista ay iyon lamang ang kanyang dala-dala. Si Sara naman ay umuwi pa rin nang gabing iyon matapos nito bantayan ang anak ni Roger sa buong maghapon. Kung tutuusin ay stay-in na dapat ito sa bahay ng amo nito ngunit umuwi pa rin ito ngayon dahi