Palinga-linga si Alexa sa kanyang paligid habang nakapuwesto sa sulok na bahagi ng isang food court sa loob ng mall na kinaroroonan niya ngayon. Iyon din ang mall na pinuntahan nila ni Sara nang isang araw. She was on that mall for one reason--- ngayong araw niya kakatagpuin ang kaibigan ni Roger na naghahanap ng empleyado para sa pag-aari nitong cafeteria. Mag-isa lamang siya na nagtungo roon at kahit naisin pa ni Sara na samahan siya ay hindi na nagawa pa ng kanyang kaibigan. Roger called on Sara and asked her to start working on that day. Ayon pa sa lalaki ay ito at si Nanay Linda lang daw ang magkasama at hindi raw nakakagawa ng mga gawaing bahay ang matanda dahil sa nahahati ang atensyon nito sa bata at sa mga gawain. Sara was asked to go to Roger's house. Ayaw pa sana nito sapagka