"I am sorry if I kept you waiting. I just really needed to call someone," hinging-paumanhin ni Roger sa kanilang dalawa ni Sara. Magkatabing nakaupo na sila ng kanyang kaibigan ngayon sa may sala nito. Tulad ng utos ni Roger kay Nanay Linda kanina ay ipinaghanda nga sila ng matanda ng meryenda. Halos kapwa hindi naman nila nagalaw ni Sara ang inihain nitong pagkain. Mas pinili nilang inumin na lamang ang juice na nasa kanilang harapan. "Wala ho iyon, sir," magalang na wika ni Sara sa lalaki. "So," Roger said. Katulad nila ay naupo na rin ito sa pang-isahang sofa na nasa kanilang harapan. "Tita Josie is a family friend. Ang asawa niya talaga ang taga-Bicol. Alam niya na naghahanap ako ng bagong tagapag-alaga ng anak ko. And when she recommended you, I instantly accepted you," saad pa nit