"Hindi niya man lang ba nasabi kung ano ang hitsura ng lalaking kumausap sa kanya, Luis?" tanong ni Mr. Ronniel Certeza kay Luis nang sumunod na araw. Kahapon nga nang makabalik sila nina Bettina ng Kamaynilaan mula sa bayan ng San Sebastian. Una nilang tinungo ang bahay ng kanyang nobya upang iwan doon si Jaime. As much as possible, Bettina did not like for their son to stay at the hospital. Kaya naman, bago sila magtungo sa ospital kung saan naka-confine si Mr. Villamor ay inihatid muna nila ang kanilang anak sa bahay ng mga ito. When they arrived at the hospital, Luis saw how worried Bettina was for her father. Bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa sarili nitong ama. At kahit pa siniguro naman ng mga doktor na tumingin kay Mr. Villamor na malayo na ito sa ano ma